"HALIKA SAMAHAN MO 'KO..."
balikan ang ating napagdaaan,
at namnamin ang mga pangakong nabitawan. Mga pangakong ka'y sarap pakinggan Lalo na ang mga katagang,
"walang iwanan basta't magtiwala ka lang." Halika samahan mo akong ipaalala sa iyo ang iyong mga pangako, mga pangakong pinanghahawakan ko na mayroong ikaw at ako. May mga pag-aalinlangang nadama, nadama na parang may hindi tama ngunit iyong pinawi ang aking pangamba at sinabing sa iyo ay magtiwala. Halika samahan mo akong alamin kung paano natuklasan ang aking mga agam-agam na kahit masakit sa pakiramdam na ang mga paghihinala'y may katotohanan. Kaya nagdesisyon ng walang pag aalinlangan na taposin ang relasyon at mga kahibangan dahil ito ay mali noong una pa lamang.
Halika samahan mo akong tanggapin ang katotohan na may pagmamahalang 'di dapat ipaglaban at mga kabigua'y kailangang mapagdaanan upang tayo ay may matutunan. Laging isipin na may tao na para sati'y nakalaan
Basta't tayo'y maghintay lamang. Gayon pa man nais sana kitang pasalamatan, Pasalamatan dahil sa'yo ay muling naranasan Ang magmahal at mahalin kahit panandalian lamang.